Thursday, August 18, 2011

Problema agad....

Magandang umaga sa inyong lahat (maganda ay payapang araw na lang para sa mga nasa London at Syria). Ako nga po pala si John Vincent Cruz Asuncion, 20 anyos, lalaki, malaki, kung anong ibig sabihin ng malaki kayo na ang bahala. Nagtapos ako sa kursong Nursing sa Chinese General Hospital College of Nursing and Liberal Arts. Alam niyo ba yan? Siguro hindi, kasi mas sikat pa si Christopher Lao dahil sa kanyang katangahan pero kung karunungan naman ang pag uusapan, sigurado akong kilala niyo yang paaralan na yan, yan ung nasa  kanto ng Aurora Blvd at Blumentritt na malapit din sa sementeryo (Ingat sa pagtawid). Di na importante kung sino o anong klase akong tao. 

Nais ko muna magpasalamat sa aking mga kaibigan dahil kung di dahil sa kanila hindi ako maiinspire gumawa ng kung ano anong shit kagaya nito. Nagpapasalamat ako sa master namen ni Manoel Gonzales na si Jayson "The Lourd" Posadas kasi dahil sa kanya, nalaman ko na may blogspot.  Hindi, joke lang, idol ko yan pag dating sa blog. Pero hindi ko alam kung makakapagsalamat pa ako sa inyo kasi una palang problema na.(http://tabingetlog.blogspot.com/)

Napapansin nio ba yung sandamakmak na question mark na titulo ng blog na ito? Malamang oo kasi siguro ganyan din ang naiisip niyo tuwing may klase kayo sa math nung hayskul o kaya kapag kinakausap ka ng isang taong malabo pa kay Michael Fajatin.  Problema agad ang sumambulat sa akin kasi wala akong maisip na mailagay na titulo nito. Lalong mas naging mahirap kung ang trip mo lang eh magpapansin. Ewan ko. Hanggang ngayon dumurugo pa din ang utak ko sa kaiisip kung anu ang magandang title para dito. Bakit kaya hindi na lang kung ano anong shit ang ilagay ko, kasi nga ayoko magpapansin. 

Wala na akong maisip, hanggang dito nalang, sige may gagawin pa ako........

Mag iisip pa ako ng title...... Tang ina This!



4 comments:

  1. clap clap! panalo ang problema mo, mas matindi pa yan sa problema ng ating dating pangulona si PGMA na kamakailan lamang ay sumailalim sa isang operasyon KUNO!. mabuhay ang sinungaling!

    ReplyDelete
  2. hahahahahahah! natatanging daga na may sungay.... hahahahaha hindi ba tlga xa ng paopera? ahahhaha

    ReplyDelete