Friday, December 16, 2011

Kapag natatalo ang Ginebra....



Basketball, ang pinaka kinababaliwang sport ng mga Pinoy. Bata, matanda, marunong o tanga, naglalaro ng basketball. Bawat sulok ng bansa may covered court, half court, improviced ring, basta bilog na may butas, basta pwede shootan, maglalaro at maglalaro ng basketball.

At kapag sinabi mong basketball, at tinanong kung sino ang pinaka tanyag at sikat na koponan sa Pilipinas, 9 sa 10 tao ang isasagot Ginebra. Gordon's Gin, Anejo Rhum, Ginebra na, Barangay Ginebra Kings, ibat iba ang pangalan, iisa lang ang pinaniniwalaan, never say die attitude na pinasikat ni Jaworski.

Kaya hindi na rin nakapagtataka na isa ako sa 9 sa 10 taong masasabing die hard fan ng Ginebra. Mula bata, mga grade 4 sinusubaybayan ko na ang mga laro ng Ginebra. Hanggang High School, hindi ko makakalimutan ang sinabe ng tatay ko sakin isang araw. Nung araw na iyon natalo ang Ginebra, sabay sa pag tunog ng final buzzer, nakaharap ako sa tv katabi ko ang tatay ko, nakita niya na naiyak ako, sabi niya "bakit ka umiiyak? Kasi natalo ang Ginebra?" sabay tawa na may halong pang aasar. Syempre ako kunwari hindi ako naiiyak pero naiiyak talaga ako dati tuwing natatalo ang Ginebra. Dagdag pa niya, "Bakit ka umiiyak eh hindi ka naman kilala ng mga yan, malalaman ba nila na  may umiiyak kapag natatalo sila?" Syempre ako todo tanggi na hindi ako umiiyak.

Unang beses ko nanuod ng live, nakita ko na hindi lang pala ako ang naiiyak kapag natatalo ang Ginebra, and di ko makalimutan, grupo ng mga babae umiiyak, mga lalaking nakikipag away kapag inaasar na natalo ang Ginebra, at kung anu anu pa. Duon ko napatunayan na iba talaga ang hatak ng Ginebra sa masa.


Kahapon, December 16, 2011, 2011-2012 PBA Philippine Cup Quarter Finals sa Smart Araneta Coliseum, naglaban and Rain or Shine Elasto Painters (ROS) at ang Barangay Ginebra Kings (BGK), nanuod ako ng live kasama ko ang dalawa kong kaibigan. Matagal tagal na din nung huli akong nakanuod ng live sa PBA kaya excited ako. Best of 3 and labanan dito, unang maka 2 panalo pasok na sa Semis.

Nagsimula na ang laro, umarangkada agad ang Ginebra sa unang 3 quarters, kinontrol ang laro, bawat pasa, tira dribble ng bola napapahiyaw ang higit sa 10000 katao sa loob ng Araneta. Nung mga panahon na iyon kampante na ako ng lumamang ng 17 and BGK sa 4th quarter at nalalapit na ibasura ang ROS. Sobrang init ng laban kung saan ng karoon ng maraming sikuhan, tulakan, murahan, trash talkan at kung anu anu man na lalaong nagdagdag sa init ng aksyon. Palitan ng basket, 3 points after 3 points, fastbreak after fastbreak naging mainit ang laban.  Medyo tinatamad na ako manuod kasi naisip ko na sure win na ang Ginebra,. Naisipan ko na nga na umalis na agad para hindi ako malate sa papasukan kong trabaho, ng biglang...................................

Ang 17 na lamang naging 15, 12, 10, 7, 5, 2,1.... 1 nalang ang lamang ng Ginebra iilang segundo nlang ang natitira sa laban. Nagsimula na akong kabahan, naisip ko na hala paano kung biglang matalo ang Ginebra, sayang naman ang halimaw na laro ni Kulotskiedoodle (Mark Caguioa) Mike Cortez at ni JC Intal, inspired ata kasi mag aaniversary na sila ni Bianca.



Walang kulot na malungkot


Lamang ng 1 ang Ginebra, tumira si Caguioa, sablay takbo ang ROS sa kanilang court, naiwang bukas si Jeff Chan ng ROS, tumira ng 3, kitang kita ko ang pagpasok ng bola sa ring, sabay ako napatayo at napakapit nalang sa ulo, pagkatingin ko sa tabi ko, nakita ko ring bumagsak ang luha ng kaibigan ko, sabay tawa nalang ako pero sa loob loob ko, hala sayang naman ang pagpunta ko kung panalo na naging talo pa. Biglang nanahimik ang dumadagundong na Araneta kanina, di alam ng mga tao kung ano ang nangyare habang nagsasaya ang kakarampot na ROS fans.

Buti nlang may natitira pang ilang segundo at napatunayan na naman ang Never Say Die attitude ng Ginebra. Naipasok ni W. Wilson ang reverse lay up sabay ng pagkaubos ng oras para dalhin ang laban sa OT. Dito nabuhay muli ang mga taga baranggay. Ngunit di nagtagal, naubos din ang oras, 112-105 panalo ang ROS. Talo ang Ginebra. Isang panalo na lang pasok na ang ROS sa semis at isang talo nalang, magsisimula na ang bakasyon ng Ginebra.

Sabi ko sa sarili ko, kapag nanalo ang Ginebra sa game 2 sa Wednesday manunuod ako ng Game 3 sa Friday. Pero paplanuhin ko muna ang panunuod ko, para naman hindi ko na maranasan na pumasok sa opisina ng 2 araw pero isang beses lang naligo.....

Monday, August 22, 2011

LATAK....

16 taong pag aaral, 5 exam, 1 pangarap....

Tama, ang buhay at kinabukasan namin nakasalalay sa 500 tanong sa Philippine Nursing Licensure Exam. Kung iisipin natin bakit ganun, bakit nila susukatin ang kakayanan ng isang tao sa 500 daang tanong lamang? Partida, yung ibang tanong pa eh sa tingin ko hindi naman magagamit sa aming propesyon. Kapag pumasa ka, masaya. Kapag bumagsak ka, iiyak ka at nanaiisin mo na maideklara kang PERSONA NON GRATA. Kagaya ng pagsusuka ko tuwing nakikita ko si Justin Bieber, hindi ako talaga fan ng kahit na anong board exam, pero wala tayo magagawa, ganyan talaga, pabayaan na natin siya, pasado na nga nag rereklamo pa? Choosy ka?

Nung 4th year high school ako, sure ako na Nursing na ang kukunin kong course, kasi sure na sure na ang mga  magulang ko. Wala akong nagawa, bilang isang masunuring bata na pinalo ng magulang nung nagnakaw ako ng 20pesos at bumili ng text na sailormoon. Nag aral ako, nagtiis ako sa impyerno ng 4 na taon, pero hindi ko naman makakalimutan iyong mga araw na un dahil marami akong natutunan at naranasan. Hinding hindi ko makakalimutan yung 1st day ko sa College, sa Chinese General Hospital College of Nursing and Liberal Arts. Tandang tanda ko kung paano ako nasusuka sa 7/11 habang hinhintay ko ung kasama ko. Totoo nga ung kasabihang Butterflies in my stomach na sinasabe nila, pero hindi lang ata butterfly yung nasa tyan ko nun, parang may lupon ng kwago at uwak sa sikmura ko at halos masuka suka na ako. Pero syempre, poise pa din, sayang ang porma at buhok na mala Emo na baboy na nakikita sa anime. Speaking of buhok, naranasan ko din sa 4 na taon na yan kung paano mag evolve and buhok ko, buhok sa ulo... Mula sa pagiging Emoboy(Emong baboy) na nasa isang side ang dakilang bangs, naging Boy Bawang naman kung saan nakatayo lahat sa gitna ang buhok ko, at syempre, lalong lumaki ang mukha ko. At hanggang sa naging buhok ko na ngayon, yung trying-so-hard-to-look-good look ko. Try lang naman di naman na masama yun. Naranasan ko din yung uuwi ng alas 9 ng gabe, kakaen, matutulog gigising ng alas 4 ng umaga. Inis na inis ako ng mga panahong hindi pa ako ng dodorm, wala ng time manuod ng Porn! Naranasan ko na din pala mag dorm ng 3 taon kasi di ko na kinaya ang byahe pagod puyat at tigang, kaya ng dorm na ako. Ang masaya pa, kada taon lumilipat kame ng dorm, ewan ko ba mga kasama ko, namamahay ata kaya di makatae. at sa dorm, syempre marame ako naranas........................................ (Shit ng brown out!)

Marame pang kagaguhan at kabulastugan ang aking naranasan sa loob ng apat na taon pero nakapagtapos naman ako sa awa ng Diyos at ni Dean. Ngayon inisip ko na bigla ang paparating na kamatayan, ang Board Exam, bilang kabilang sa isang batch na hindi pinaniniwalaan at pinagdududahan ng mga tao mula sa pinakamataas na position hanggang sa guwardiyang nagtatawid samin, kung magagawa ba namin ang ginawa ng batch 2010, kung saan nag 100% sila at may 2 pang topnotchers, nababalisawsaw na ang lahat habang papalapit at papalapit na ang July 2 and 3. Dahil sa kaba, araw araw may tao sa STUDY room, mapa Sabado man o Linggo, ang hindi ko lang alam kung Study Room ba talaga dapat an pangalan nito, pwede rin kasing PANTRY, BEDROOM, PACKAGE COUNTER, CASINO, BEERHOUSE, APARTELLE at kung anu anu pang lugar. Kung nag study room ka, sigurado ako na isa o higit pa ang tingin mo sa Study room. 

At dumating na ang araw ng exam, sa unang exam, gusto ko na mahimatay. Nanginginig ako sa pag shade ng sagot. Parang nakataya ang buhay ng nanay at tatay ko habang ngsasagot ako. Pero syempre kailangan magmatapang, hindi ko naman ata sasayaing yung apat na taong pagdudusa ko kung di ako sasagot at mag wawalk out na lang ako. Tinapos ko ang una hanggang limang exam sa loob ng 2 araw. Hindi ko makakalimutan ang pakiramdam nung natapos na yung huling exam. Parang nawala yung mga uwak sa sikmura ko at parang ang sarap palitan ito ng alak na hindi dumaloy sa aking katawan sa mga nakaraang araw at buwan. 

Akala ko tapos na ang pagdurusa, pero mas naging kalabaryo pa ang paghihintay kesa ang pagsagot, kanina buhay lang ng nanay at tatay ko ang nakataya, ngayon sama mo na mga kapatid ko, lolo at lola, aso, bahay at lupa, pati pamato't panabla. Lahat na. Ika nga ng karamihan, Patience is a Virtue, #$!@#$!@#$ ikaw kaya maghintay ng resulta at hindi mo alam kung nashade mo lahat ng set sa exam???! masasabe mo pa kaya na Patience is a Virtue? Kagaya ng karamihan, wala kameng nagawa kung hindi maghintay kung ano ang kahihinatnan ng kung anu anu shit na pinaggagagawa namen nung nakaraang 16 na taon. Lahat nagdarasal,  naghahabilin, at nagpapaalam na hindi na sila muling magpapakita sa kahit kanino at buburahin na sa mapa ng Pilipinas ang Blumentritt kapag bumagsak siya. Baka pati sa mga sa pusa sa school mahihiya ka ng humarap. 

AUGUST 20, 2011 around 6pm. Dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Lumabas na ang resulta ng boards. Buong buhay mo nakasalalay sa isang link kung saan ilalagay ang pangalan ng mga pumasa. Sa oras na hindi mo makita ang pangalan mo nanaririnig mo mula ng ikaw ay pinanganak, ang pangalan mo na ginagago ng mga tao sa sobrang panget at baho ng pangalan , gaya ng pangalang........ ayoko ng away. Sa oras na hindi mo nakita, iyak ka. Kumuha ka ng lubid at isabit mo ang sarili mo. 


Tila tinadhana para sakin na ganitong oras ilabas ang resulta. Nung mga panahong ito, papunta na kame ng pamilya ko sa simbahan.... 

MAMA: patayin mo na yang computer bilisan mo late na tayo sa misa!

AKO: teka lang may resulta na daw na lumabas, titignan ko muna kung pumasa ako...
MAMA: Anu ka ba late na tau mamaya na yan! tara na!
AKO: (nagtabog, pinatay ang kompyuter... at nagsimba,)

May nagtext sa akin sabe 100% daw ang passing rate ng school namen. Dun ko naisip na nakatadhana nga na ilalabas ang resulta sa oras na nasa simbahan ako. Ang sarap ng feeling, mas masarap pa sa pag...... censored. Nabunutan ako ng tinik ng pating sa lalamunan ko. RN na ako. RN na kame. Nurse na ako. Nurse na kame..... na magtatrabaho sa call center.


Tapos na ang kwento. and it was a very happy and fitting ending. Ang mga bida nagpapabugbog sa umpisa, totoo yan, tapos dadating ang mga pulis kapag tapos na ang bakbakan. At sa mga kontrabida na nagsasabeng  hindi namen kaya, at nagsasabeng 338 na latak lang kame, ayan ang dame ng nadagdag na latak, 338 na bagong RN. 


OO lahat kame pumasa, taliwas sa pinaniwalaan ng iba na hindi namen kaya.

RN, 2 letrang pinagtrabahuhan ng 16 na taon, at nakasalalay sa 500 tanong,,,

LATAK pala ha...

Friday, August 19, 2011

DragonBall Zhit!


Bwakanang Shit! Wala ng intro intro, pu***g *na nga mga taong nasa likod nito! 


Apektado ako? Simple lang, oo.... kasi sa dinamidaming shit na ngyayare sa mundo lalo na sa napaka payapang bansa nating Pilipinas, (nasabi ko un?!) bakit ba pilit na pinagaaway o ikinukumpara ng mga walang magawang tao ang dalawang national team ng Pilipinas: Ang Philippine Dragonboat Team at ang National Team ng Football ang Philippine Azkals. Oo azkals, hindi shitzu, hindi poodle, at hindi tuta ni Arroyo, Azkals nga.

Naging bulung bulungan at usap usapan sa palengke, barberya at parlor ang tagumpay ng PDBT sa kompetisyong ginawa sa Tampa bay Florida sa USA, kung saan nag uwi ng 5 ginto ang grupo at nagbigay karangalan sa Pilipinas. Ngunit hindi din naman natin maipagkakaila ang kabaliwang ibinigay ng Azkals sa larong football ng tangkain nilang makapasok sa 3rd roung ng world cup qualifier ngunit nabigo laban sa napakalakas at napakabahong team ng Kuwait. Naging Football crazy nation bigla ang Pilipinas at marameng tao ang napahanga ng mga manlalaro ng azkals lalo na mga kababaihan dahil sa aking kagalingan at kagwapuhan ng mga manlalarong ito, na karamihan ay may ibang breed, este ibang lahi pala......

Ngayon, pilit na kikumpara ng mga matatabil ang dila ang ginawa ng 2 team na ito. Sinasabe na mabuti pa ang PDBT nagbigay karangalan sa Pilipinas pero ang azkals ni tanso, aluminum, o tingga wala man lang naibigay. Hindi ko magets kung bakit pinagsasabong ang 2 eh iisa lang naman ang kinakatawan nila. Puro papogi lang daw ang ginagawa ng azkals at mabuti pa ang PDBT kahit walang suporta mula sa gobyerno eh ngtangumpay....  Ang tanong ko sa inyo, kasalanan ba ng mga manlalaro ng azkals na maging pogi sila? Kasalanan ba nila na matalo sila sa mas malakas na kupunan? Try mo lumaro kalaban ang Kuwait, baka di mo naisin makipag habulan at banggaan sa kanila dahil sa lakas nila........ ng amoy nila, i mean. Kidding aside, c'mon, di nila kasalanan un. Pati tv ads nila pinapakailaman. SUS! Malamang kung may gusto ka na mag endorse ng produkto mo malamang gusto mo ung pinaka matinong itsura diba? Paano ka mag eendorse ng pampapogi at pampaputi kung maitim ang nagsasabe sayo na bumili ka nito?? Para mong binigyan ng komersyal ng Likas Papaya si Blakdyak.

Ang punto ko lang dito, hindi natin sila pwede ikumpara kasi nasa magkaibang larangan sila. Isipin nalang natin na kahit ganun man, merong pareho sa kanila, pareho silang may Pilipinas sa kanilang mga jersey at dala dala nila ang pangalang ito sa bawat sipa ng bola at bawat sagwan ng paddle. Maaring ang isa sa kanila ay talagang nagtagumpay dahil nakapag uwi ng ginto, ngunit hindi pa ba tagumpay ang nagawa ng azkals? dati rati para tayong basahan sa larangan ng football, pero dahil sa azkals, umani tayo ng respeto sa larangan na ito.


Hindi ko alam kung bakit pinag aaway eh kung pwede naman pagsamahin diba...... diba Son Goku???


DRAGONboat team, FootBALL team = Dragon Ball! Alas! diba mas Malakas?

Tatapusin ko na to, bago pa ako ma KAMEHAME WAVE ng maiinis sa joke ko.

Thursday, August 18, 2011

Problema agad....

Magandang umaga sa inyong lahat (maganda ay payapang araw na lang para sa mga nasa London at Syria). Ako nga po pala si John Vincent Cruz Asuncion, 20 anyos, lalaki, malaki, kung anong ibig sabihin ng malaki kayo na ang bahala. Nagtapos ako sa kursong Nursing sa Chinese General Hospital College of Nursing and Liberal Arts. Alam niyo ba yan? Siguro hindi, kasi mas sikat pa si Christopher Lao dahil sa kanyang katangahan pero kung karunungan naman ang pag uusapan, sigurado akong kilala niyo yang paaralan na yan, yan ung nasa  kanto ng Aurora Blvd at Blumentritt na malapit din sa sementeryo (Ingat sa pagtawid). Di na importante kung sino o anong klase akong tao. 

Nais ko muna magpasalamat sa aking mga kaibigan dahil kung di dahil sa kanila hindi ako maiinspire gumawa ng kung ano anong shit kagaya nito. Nagpapasalamat ako sa master namen ni Manoel Gonzales na si Jayson "The Lourd" Posadas kasi dahil sa kanya, nalaman ko na may blogspot.  Hindi, joke lang, idol ko yan pag dating sa blog. Pero hindi ko alam kung makakapagsalamat pa ako sa inyo kasi una palang problema na.(http://tabingetlog.blogspot.com/)

Napapansin nio ba yung sandamakmak na question mark na titulo ng blog na ito? Malamang oo kasi siguro ganyan din ang naiisip niyo tuwing may klase kayo sa math nung hayskul o kaya kapag kinakausap ka ng isang taong malabo pa kay Michael Fajatin.  Problema agad ang sumambulat sa akin kasi wala akong maisip na mailagay na titulo nito. Lalong mas naging mahirap kung ang trip mo lang eh magpapansin. Ewan ko. Hanggang ngayon dumurugo pa din ang utak ko sa kaiisip kung anu ang magandang title para dito. Bakit kaya hindi na lang kung ano anong shit ang ilagay ko, kasi nga ayoko magpapansin. 

Wala na akong maisip, hanggang dito nalang, sige may gagawin pa ako........

Mag iisip pa ako ng title...... Tang ina This!