Friday, December 16, 2011

Kapag natatalo ang Ginebra....



Basketball, ang pinaka kinababaliwang sport ng mga Pinoy. Bata, matanda, marunong o tanga, naglalaro ng basketball. Bawat sulok ng bansa may covered court, half court, improviced ring, basta bilog na may butas, basta pwede shootan, maglalaro at maglalaro ng basketball.

At kapag sinabi mong basketball, at tinanong kung sino ang pinaka tanyag at sikat na koponan sa Pilipinas, 9 sa 10 tao ang isasagot Ginebra. Gordon's Gin, Anejo Rhum, Ginebra na, Barangay Ginebra Kings, ibat iba ang pangalan, iisa lang ang pinaniniwalaan, never say die attitude na pinasikat ni Jaworski.

Kaya hindi na rin nakapagtataka na isa ako sa 9 sa 10 taong masasabing die hard fan ng Ginebra. Mula bata, mga grade 4 sinusubaybayan ko na ang mga laro ng Ginebra. Hanggang High School, hindi ko makakalimutan ang sinabe ng tatay ko sakin isang araw. Nung araw na iyon natalo ang Ginebra, sabay sa pag tunog ng final buzzer, nakaharap ako sa tv katabi ko ang tatay ko, nakita niya na naiyak ako, sabi niya "bakit ka umiiyak? Kasi natalo ang Ginebra?" sabay tawa na may halong pang aasar. Syempre ako kunwari hindi ako naiiyak pero naiiyak talaga ako dati tuwing natatalo ang Ginebra. Dagdag pa niya, "Bakit ka umiiyak eh hindi ka naman kilala ng mga yan, malalaman ba nila na  may umiiyak kapag natatalo sila?" Syempre ako todo tanggi na hindi ako umiiyak.

Unang beses ko nanuod ng live, nakita ko na hindi lang pala ako ang naiiyak kapag natatalo ang Ginebra, and di ko makalimutan, grupo ng mga babae umiiyak, mga lalaking nakikipag away kapag inaasar na natalo ang Ginebra, at kung anu anu pa. Duon ko napatunayan na iba talaga ang hatak ng Ginebra sa masa.


Kahapon, December 16, 2011, 2011-2012 PBA Philippine Cup Quarter Finals sa Smart Araneta Coliseum, naglaban and Rain or Shine Elasto Painters (ROS) at ang Barangay Ginebra Kings (BGK), nanuod ako ng live kasama ko ang dalawa kong kaibigan. Matagal tagal na din nung huli akong nakanuod ng live sa PBA kaya excited ako. Best of 3 and labanan dito, unang maka 2 panalo pasok na sa Semis.

Nagsimula na ang laro, umarangkada agad ang Ginebra sa unang 3 quarters, kinontrol ang laro, bawat pasa, tira dribble ng bola napapahiyaw ang higit sa 10000 katao sa loob ng Araneta. Nung mga panahon na iyon kampante na ako ng lumamang ng 17 and BGK sa 4th quarter at nalalapit na ibasura ang ROS. Sobrang init ng laban kung saan ng karoon ng maraming sikuhan, tulakan, murahan, trash talkan at kung anu anu man na lalaong nagdagdag sa init ng aksyon. Palitan ng basket, 3 points after 3 points, fastbreak after fastbreak naging mainit ang laban.  Medyo tinatamad na ako manuod kasi naisip ko na sure win na ang Ginebra,. Naisipan ko na nga na umalis na agad para hindi ako malate sa papasukan kong trabaho, ng biglang...................................

Ang 17 na lamang naging 15, 12, 10, 7, 5, 2,1.... 1 nalang ang lamang ng Ginebra iilang segundo nlang ang natitira sa laban. Nagsimula na akong kabahan, naisip ko na hala paano kung biglang matalo ang Ginebra, sayang naman ang halimaw na laro ni Kulotskiedoodle (Mark Caguioa) Mike Cortez at ni JC Intal, inspired ata kasi mag aaniversary na sila ni Bianca.



Walang kulot na malungkot


Lamang ng 1 ang Ginebra, tumira si Caguioa, sablay takbo ang ROS sa kanilang court, naiwang bukas si Jeff Chan ng ROS, tumira ng 3, kitang kita ko ang pagpasok ng bola sa ring, sabay ako napatayo at napakapit nalang sa ulo, pagkatingin ko sa tabi ko, nakita ko ring bumagsak ang luha ng kaibigan ko, sabay tawa nalang ako pero sa loob loob ko, hala sayang naman ang pagpunta ko kung panalo na naging talo pa. Biglang nanahimik ang dumadagundong na Araneta kanina, di alam ng mga tao kung ano ang nangyare habang nagsasaya ang kakarampot na ROS fans.

Buti nlang may natitira pang ilang segundo at napatunayan na naman ang Never Say Die attitude ng Ginebra. Naipasok ni W. Wilson ang reverse lay up sabay ng pagkaubos ng oras para dalhin ang laban sa OT. Dito nabuhay muli ang mga taga baranggay. Ngunit di nagtagal, naubos din ang oras, 112-105 panalo ang ROS. Talo ang Ginebra. Isang panalo na lang pasok na ang ROS sa semis at isang talo nalang, magsisimula na ang bakasyon ng Ginebra.

Sabi ko sa sarili ko, kapag nanalo ang Ginebra sa game 2 sa Wednesday manunuod ako ng Game 3 sa Friday. Pero paplanuhin ko muna ang panunuod ko, para naman hindi ko na maranasan na pumasok sa opisina ng 2 araw pero isang beses lang naligo.....

No comments:

Post a Comment