Bwakanang Shit! Wala ng intro intro, pu***g *na nga mga taong nasa likod nito!
Apektado ako? Simple lang, oo.... kasi sa dinamidaming shit na ngyayare sa mundo lalo na sa napaka payapang bansa nating Pilipinas, (nasabi ko un?!) bakit ba pilit na pinagaaway o ikinukumpara ng mga walang magawang tao ang dalawang national team ng Pilipinas: Ang Philippine Dragonboat Team at ang National Team ng Football ang Philippine Azkals. Oo azkals, hindi shitzu, hindi poodle, at hindi tuta ni Arroyo, Azkals nga.
Naging bulung bulungan at usap usapan sa palengke, barberya at parlor ang tagumpay ng PDBT sa kompetisyong ginawa sa Tampa bay Florida sa USA, kung saan nag uwi ng 5 ginto ang grupo at nagbigay karangalan sa Pilipinas. Ngunit hindi din naman natin maipagkakaila ang kabaliwang ibinigay ng Azkals sa larong football ng tangkain nilang makapasok sa 3rd roung ng world cup qualifier ngunit nabigo laban sa napakalakas at napakabahong team ng Kuwait. Naging Football crazy nation bigla ang Pilipinas at marameng tao ang napahanga ng mga manlalaro ng azkals lalo na mga kababaihan dahil sa aking kagalingan at kagwapuhan ng mga manlalarong ito, na karamihan ay may ibang breed, este ibang lahi pala......
Ngayon, pilit na kikumpara ng mga matatabil ang dila ang ginawa ng 2 team na ito. Sinasabe na mabuti pa ang PDBT nagbigay karangalan sa Pilipinas pero ang azkals ni tanso, aluminum, o tingga wala man lang naibigay. Hindi ko magets kung bakit pinagsasabong ang 2 eh iisa lang naman ang kinakatawan nila. Puro papogi lang daw ang ginagawa ng azkals at mabuti pa ang PDBT kahit walang suporta mula sa gobyerno eh ngtangumpay.... Ang tanong ko sa inyo, kasalanan ba ng mga manlalaro ng azkals na maging pogi sila? Kasalanan ba nila na matalo sila sa mas malakas na kupunan? Try mo lumaro kalaban ang Kuwait, baka di mo naisin makipag habulan at banggaan sa kanila dahil sa lakas nila........ ng amoy nila, i mean. Kidding aside, c'mon, di nila kasalanan un. Pati tv ads nila pinapakailaman. SUS! Malamang kung may gusto ka na mag endorse ng produkto mo malamang gusto mo ung pinaka matinong itsura diba? Paano ka mag eendorse ng pampapogi at pampaputi kung maitim ang nagsasabe sayo na bumili ka nito?? Para mong binigyan ng komersyal ng Likas Papaya si Blakdyak.
Ang punto ko lang dito, hindi natin sila pwede ikumpara kasi nasa magkaibang larangan sila. Isipin nalang natin na kahit ganun man, merong pareho sa kanila, pareho silang may Pilipinas sa kanilang mga jersey at dala dala nila ang pangalang ito sa bawat sipa ng bola at bawat sagwan ng paddle. Maaring ang isa sa kanila ay talagang nagtagumpay dahil nakapag uwi ng ginto, ngunit hindi pa ba tagumpay ang nagawa ng azkals? dati rati para tayong basahan sa larangan ng football, pero dahil sa azkals, umani tayo ng respeto sa larangan na ito.
Hindi ko alam kung bakit pinag aaway eh kung pwede naman pagsamahin diba...... diba Son Goku???
DRAGONboat team, FootBALL team = Dragon Ball! Alas! diba mas Malakas?
Tatapusin ko na to, bago pa ako ma KAMEHAME WAVE ng maiinis sa joke ko.
No comments:
Post a Comment