Tama, ang buhay at kinabukasan namin nakasalalay sa 500 tanong sa Philippine Nursing Licensure Exam. Kung iisipin natin bakit ganun, bakit nila susukatin ang kakayanan ng isang tao sa 500 daang tanong lamang? Partida, yung ibang tanong pa eh sa tingin ko hindi naman magagamit sa aming propesyon. Kapag pumasa ka, masaya. Kapag bumagsak ka, iiyak ka at nanaiisin mo na maideklara kang PERSONA NON GRATA. Kagaya ng pagsusuka ko tuwing nakikita ko si Justin Bieber, hindi ako talaga fan ng kahit na anong board exam, pero wala tayo magagawa, ganyan talaga, pabayaan na natin siya, pasado na nga nag rereklamo pa? Choosy ka?
Nung 4th year high school ako, sure ako na Nursing na ang kukunin kong course, kasi sure na sure na ang mga magulang ko. Wala akong nagawa, bilang isang masunuring bata na pinalo ng magulang nung nagnakaw ako ng 20pesos at bumili ng text na sailormoon. Nag aral ako, nagtiis ako sa impyerno ng 4 na taon, pero hindi ko naman makakalimutan iyong mga araw na un dahil marami akong natutunan at naranasan. Hinding hindi ko makakalimutan yung 1st day ko sa College, sa Chinese General Hospital College of Nursing and Liberal Arts. Tandang tanda ko kung paano ako nasusuka sa 7/11 habang hinhintay ko ung kasama ko. Totoo nga ung kasabihang Butterflies in my stomach na sinasabe nila, pero hindi lang ata butterfly yung nasa tyan ko nun, parang may lupon ng kwago at uwak sa sikmura ko at halos masuka suka na ako. Pero syempre, poise pa din, sayang ang porma at buhok na mala Emo na baboy na nakikita sa anime. Speaking of buhok, naranasan ko din sa 4 na taon na yan kung paano mag evolve and buhok ko, buhok sa ulo... Mula sa pagiging Emoboy(Emong baboy) na nasa isang side ang dakilang bangs, naging Boy Bawang naman kung saan nakatayo lahat sa gitna ang buhok ko, at syempre, lalong lumaki ang mukha ko. At hanggang sa naging buhok ko na ngayon, yung trying-so-hard-to-look-good look ko. Try lang naman di naman na masama yun. Naranasan ko din yung uuwi ng alas 9 ng gabe, kakaen, matutulog gigising ng alas 4 ng umaga. Inis na inis ako ng mga panahong hindi pa ako ng dodorm, wala ng time manuod ng Porn! Naranasan ko na din pala mag dorm ng 3 taon kasi di ko na kinaya ang byahe pagod puyat at tigang, kaya ng dorm na ako. Ang masaya pa, kada taon lumilipat kame ng dorm, ewan ko ba mga kasama ko, namamahay ata kaya di makatae. at sa dorm, syempre marame ako naranas........................................ (Shit ng brown out!)
Marame pang kagaguhan at kabulastugan ang aking naranasan sa loob ng apat na taon pero nakapagtapos naman ako sa awa ng Diyos at ni Dean. Ngayon inisip ko na bigla ang paparating na kamatayan, ang Board Exam, bilang kabilang sa isang batch na hindi pinaniniwalaan at pinagdududahan ng mga tao mula sa pinakamataas na position hanggang sa guwardiyang nagtatawid samin, kung magagawa ba namin ang ginawa ng batch 2010, kung saan nag 100% sila at may 2 pang topnotchers, nababalisawsaw na ang lahat habang papalapit at papalapit na ang July 2 and 3. Dahil sa kaba, araw araw may tao sa STUDY room, mapa Sabado man o Linggo, ang hindi ko lang alam kung Study Room ba talaga dapat an pangalan nito, pwede rin kasing PANTRY, BEDROOM, PACKAGE COUNTER, CASINO, BEERHOUSE, APARTELLE at kung anu anu pang lugar. Kung nag study room ka, sigurado ako na isa o higit pa ang tingin mo sa Study room.
At dumating na ang araw ng exam, sa unang exam, gusto ko na mahimatay. Nanginginig ako sa pag shade ng sagot. Parang nakataya ang buhay ng nanay at tatay ko habang ngsasagot ako. Pero syempre kailangan magmatapang, hindi ko naman ata sasayaing yung apat na taong pagdudusa ko kung di ako sasagot at mag wawalk out na lang ako. Tinapos ko ang una hanggang limang exam sa loob ng 2 araw. Hindi ko makakalimutan ang pakiramdam nung natapos na yung huling exam. Parang nawala yung mga uwak sa sikmura ko at parang ang sarap palitan ito ng alak na hindi dumaloy sa aking katawan sa mga nakaraang araw at buwan.
Akala ko tapos na ang pagdurusa, pero mas naging kalabaryo pa ang paghihintay kesa ang pagsagot, kanina buhay lang ng nanay at tatay ko ang nakataya, ngayon sama mo na mga kapatid ko, lolo at lola, aso, bahay at lupa, pati pamato't panabla. Lahat na. Ika nga ng karamihan, Patience is a Virtue, #$!@#$!@#$ ikaw kaya maghintay ng resulta at hindi mo alam kung nashade mo lahat ng set sa exam???! masasabe mo pa kaya na Patience is a Virtue? Kagaya ng karamihan, wala kameng nagawa kung hindi maghintay kung ano ang kahihinatnan ng kung anu anu shit na pinaggagagawa namen nung nakaraang 16 na taon. Lahat nagdarasal, naghahabilin, at nagpapaalam na hindi na sila muling magpapakita sa kahit kanino at buburahin na sa mapa ng Pilipinas ang Blumentritt kapag bumagsak siya. Baka pati sa mga sa pusa sa school mahihiya ka ng humarap.
AUGUST 20, 2011 around 6pm. Dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Lumabas na ang resulta ng boards. Buong buhay mo nakasalalay sa isang link kung saan ilalagay ang pangalan ng mga pumasa. Sa oras na hindi mo makita ang pangalan mo nanaririnig mo mula ng ikaw ay pinanganak, ang pangalan mo na ginagago ng mga tao sa sobrang panget at baho ng pangalan , gaya ng pangalang........ ayoko ng away. Sa oras na hindi mo nakita, iyak ka. Kumuha ka ng lubid at isabit mo ang sarili mo.
Tila tinadhana para sakin na ganitong oras ilabas ang resulta. Nung mga panahong ito, papunta na kame ng pamilya ko sa simbahan....
MAMA: patayin mo na yang computer bilisan mo late na tayo sa misa!
AKO: teka lang may resulta na daw na lumabas, titignan ko muna kung pumasa ako...
MAMA: Anu ka ba late na tau mamaya na yan! tara na!
AKO: (nagtabog, pinatay ang kompyuter... at nagsimba,)
May nagtext sa akin sabe 100% daw ang passing rate ng school namen. Dun ko naisip na nakatadhana nga na ilalabas ang resulta sa oras na nasa simbahan ako. Ang sarap ng feeling, mas masarap pa sa pag...... censored. Nabunutan ako ng tinik ng pating sa lalamunan ko. RN na ako. RN na kame. Nurse na ako. Nurse na kame..... na magtatrabaho sa call center.
Tapos na ang kwento. and it was a very happy and fitting ending. Ang mga bida nagpapabugbog sa umpisa, totoo yan, tapos dadating ang mga pulis kapag tapos na ang bakbakan. At sa mga kontrabida na nagsasabeng hindi namen kaya, at nagsasabeng 338 na latak lang kame, ayan ang dame ng nadagdag na latak, 338 na bagong RN.
OO lahat kame pumasa, taliwas sa pinaniwalaan ng iba na hindi namen kaya.
RN, 2 letrang pinagtrabahuhan ng 16 na taon, at nakasalalay sa 500 tanong,,,
LATAK pala ha...