Thursday, March 22, 2012

MAGNUM, so cool right?

Malapit na mag tapos ang March. Summer na. Ramdam na ramdam na ang init sa paligid maging eto man ay dala ng init ng panahon o ng sunog sa EVER GOTESCO, partida, Fire Prevention Month pa ngayon, BRAVO! at ang nagliliyab na talakayan sa Impeachment Trial ni CJ Corona na wala na atang katapusan at milyong milyong piso ang pinaguuusapan habang ang iba nating kababayan ni hindi makahawak ng isang daan.

Kaya sa tingin ko napapanahon ang pag labas at biglang pagkauso ng pinakabago at kinababaliwan na pagkaen ngayon ng mga Pilipino, ang MAGNUM. Kahit saan ako mag punta, lahat ng 7 11 na mapuntahan ko o anu mang bilihan na may ice cream, may MAGNUM, at kitang kita ko rin and muka ng mga nag eendorso nito, lalo na ung crush kong si Solenn. Magkano ito? 50 pesos o higit pa, depende kung san mo binili, mas mura daw sa puregold. Totoo ba?



Honestly hindi ko pa to natitikman, hindi dahil sa wala akong pera, (pero parang ganun na din), kundi di ko masikmura na kumaen nito, tsaka nlng siguro kapag hindi na ito pinag uusapan o kaya kapag may nanlibre sakin.At kapag hindi na ito binabandera ng mga tao habang kumakaen sila sa publiko para bagang pumapantay na ito sa pinaka usong pendant ngaun, DSLR.  Pero sa tingin ko masarap naman ito, hindi ito magkakahalaga ng  50 pesos kung kasing lasa lang ito ng  5 pisong dirty ice cream na gumising sayo sa hapon dahil sa kalembang ni kuya o sa tunog ng selecta o nestle na may background music pa na napapasabay ka kahit ayaw mo. 

Ito ang bumabahala sakin:

Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit nakukuha ng mga tao na mag reklamo sa .50 sentimong dagdag sa pasahe, pisong dagdag sa pandesal, 1 dagdag sa gasul at kung anu anu pang walng tigil na pag taas ng mga bagay bagay maliban nalang sa height ni mahal at sa grades ng kapatid ko, kung nakakabili sila ng @#$@#$ ice cream na to.

Kaya nilang bumilli ng punyetang ice cream na makakabili na ng isang kilong bigas para sa buong araw. Syempre ang bibili lang naman nito ay iyong mga kababayan nating may pambili, pero kung kaya natin,  ay kaya niyo pa lang bumili ng ganito kamahal na sorbetes eh wala tayong karapatan na mag reklamo sa ibang bagay. 

Kelan lang may militanteng grupo na sumugd sa tanggapan ng Shell at ng rereklamo sa tahasang pagtaas ng presyo ng petrolyo. May mga aktibistang ngrarally para pigilan na maging 8.50 ang minimum na pamasahe. at kung anu anu pang demonstrasyon na nagpapakita ng pagtaliwas sa mga nangyayare sa ekonomiya. 


*wag niyong babanggitin saking ang NOYNOYING, ito na ang pinaka korning salita na narinig ko sa loob ng 20 taon kong buhay!

Isa pa, nasa instructions ba ng pagkaen ng ice cream na ito na dapat pagkabukas, bago kagatin, dapat picturan at iupload sa FB, twitter, , at kung anu anu pang social media? Nais ba nila ipakita na sila ay sunod sa daloy? o gusto ipakita na may pambili sila? Galing din ako sa isang mall kahapon, habang naglalakad, nakakita ako ng 2 babae, nakauniform, may hawak na ice cream, unang pumasok sa isip ko, Magnum to! bakit? Halos nakataas na ang kamay nila para bang pinapakita na "HOY TIGNAN NIYO! KUMAKAEN AKO NG MAGNUM! IM SO COOL RIGHT?",,, Sinundan ko siya, nagulat ako sa nakita ko, wala pa din kagat ung ice cream niya after 5 mins....

Sumakay nalang ako sa FX, siningil ako ni kuya, 45 pesos daw ang pamasahe... Napaisip ako bigla, pag bumili ba ako ng Magnum worth 50 pesos makakauwi ako ng Nova?

PS.
* hindi ako galit sa Magnum, galit lang ako sa taong akala ata Apple ang gumawa ng Magnum ( Credits to Jayson Posadas)
* Gusto ko matikman magnum, wala lang ako pambili. Kaya ko lang bilhin yng tinapay na ice cream palaman.