Wednesday, September 26, 2012

Get a life, not a job!

Boring. best word to describe the last few days or weeks i would say. Urat na urat na ako sa buhay ko sa ngayon. sa sobrang boredom pati Kris TV pinapanuod ko na din.  Hindi ko na alam ang gagawin ko at di ko din alam kung anu ang gusto ko.



ganito itsura ko habang kinakausap ko yung mga customer na banyaga, pinipilit na kunwari nakangiti ang boses pero nakakalbo na ako sa inis...




It has been more than a month already since i last worked. sa isang malaking callcenter ako nagtrabaho nung mga oras na yun... Maganda naman sya at hindi ganon kahirap ang account and it pays a lot. I never planned of leaving the company, si Habagat kasi eh! And i know it has taken its toll on me, kasi lagi ako nagkakasakit sa lalamunan. so nagresign ako. pero hindi nila tinanggap ang resignation ko, at AWOL ang ibinigay sakin. Medyo nanghihinayang ako kasi ayoko mabahiram ng kung anung shit ang employment profile ko, pero what can i do, anjan na yan eh.. so move on. yaan mo na, sawa na din ako makipagusap sa mga taong porket akala nila mahal yung binabayad nila, wala ng karapatang masira yung Cable, TV at internet nila, sakin magagalit, kasalanan ko ba kung kinagat ng aso yung wirings nila???


bilang isang taong ayaw mabakante at gusto laging maging productive sa buhay (pero tambay ngayon), hindi ako nagsayang sa oras. Pumasok ako sa isang hospital. Kinuha ko ang opportunity na magtrabaho sa isang ospital. Graduate ako ng Nursing. Working in a hospital. Nursing grad who works in a hospital doesnt necessarily mean na magttrabaho ako bilang nurse. Nagtrabaho ako bilang isang Clerk sa laboratory. Taga tawag ng number, taga bigay ng resibo, taga hanap ng resulta, taga bigay ng cup kung saan ilalagay ang ihi, at kung anu anu pa. oooops taga sagot pa pala ng telepono, at hindi lang telepono, 2 telepono na sabay pa nag riring. kala ko ligtas na ako sa callcenter hindi pa pala! HEHE!



Sinubukan ko sya, one week, 7 days straight, sa unang 2 araw naenjoy ko pa, tsaka may sweldo to hindi kagaya ng iba na nag vovolunteer. i always believed na once tapos ka na mag aral, bawat minuto segundo oras na ginugugul mo sa trabaho, you deserve to be paid, hindi sa pagiging mukang pera, thats the main reason why we worked our asses nung nag aaral pa tayo diba? para kumita ng pera...  so ayun nga sinubukan ko sya one week, napagod ako.. narealize ko bigla na hindi ako pumasa ng board para mag tawag ng number at para turuan ang mga tao kung paano umihi... nagpaalam ako na hindi ko na itutuloy ang trabaho ko sa ospital...

napagod ako...


nakakapagod pala yung palipat lipat ka ng trabaho... hindi mo alam kung anong career ang ieestablish mo... sabi nila sayang kung pumasa ako ng boards pero hindi naman ako mag nunurse. tama naman sila.. tama naman yun.. sayang yung 4 na taon ng pagkakamatay sa pagtawid sa Blumenrtritt kung hindi din magagamit. pero ano ba ibig sabihin ng sayang? nawala ba ito? hindi ka na ba RN kapag sa ibang field ka ngtrabaho? and besides, kahit na anong trabaho man yan, iisa lang dahilan mo kung bakit ka ngttrabaho, para kumita. pero tama sila, iba pa din kapag mahal at gusto mo yung ginagawa mo...

eto ako ngayon, nag iisip.. kung ano dapat gawin.. minsan nga naisip ko nalang ibenta katawan ko eh... syempre alam niyo joke yan, mahal kaya kilo ng baboy ngayon!

boring pa rin...

sa ngayon wala ginagawa, naghihintay ako sa entrance exam ko sa Graduate School ng isang University, depende sa magiging resulta nito ang susunod na gagawin ko sa buhay ko, Kapag pumasa, student ulit ako! Yahoo! pero kung hindi, mag hahanap na ako ng trabaho.

nagiging routine na lang ang ginagawa ko araw araw. 

5AM
gigising para ihatid ang kapatid na babae sa terminal ng fx dahil papasok sa skwela
nakakainis pa dito eh yung himbing na himbing pa ako sa panaginip ko na nagdedate daw kami si Solenn tapos gigisinging ako ng kapatid ko para ihatid ko na sya. pag uwi syempre tulog ulit.

8AM




manunuod na ako ng Kris tv... nakaugalian ko na ito sa sobrang walang gawin.. pero minsan hindi na ako nanunuod kapag chaka yung mga guests kagaya nung isang araw, yung mga child stars ng dos, di ko na pinanuod.. pero pag mga magaganda, ay naku... walang ligtas... siguro iniisip niyo na napakabaduy ko sa panunuod nito no! HAHA syyyeeetttt baduy ko nga... 

9AM
tapos na ang Kris TV, mag cocomputer na ako, iilang bagay lang naman ang ginagawa ko sa computer, mag NBA, twitter, FB, youtube, you..... tsaka you..... JOKE! kala mo comp shop tong bahay namin kasi mula mga 9am, mapapahinga na ito ng mga 2am.. pinagalitan tuloy ako taas na daw ng kuryente namin! 

11:30AM



 sino ba naman hindi manunuod ng Showtime kung siya ang makikita mo?

Showtime! di ko muna papansinin yung computer, manunuod muna ako ng showtime o kaya eat bulaga. ang pinapanuod ko lang sa showtime yung Sine mo 'to tsaka si Anner Curtis! sa eat bulaga naman yung Juan for all all for Juan, shit tawang tawa ako sa mga kagaguhan nila Jose, wally at baklang Paolo... kahit paulit ulit nakakatawa pa din, lalo na yung pamimigay nila ng mga appliances kagaya ng Rice Cooker with papaya extract, oven toaster with death certificate and electric fan withbarangay clearance!



tapos nian computer or tv na ulit buong araw.... pero itong mga nakaraang araw napapanuod ako ng Angelito, ttignan ko kung paano malalaman ni Angelito na sya ang tunay na ama ni macmac at hindi si Raffy!

pretty much yan ang buhay ko ngayon....
dati gusto ko tumambay, pero boring din pala yung maging tambay...
kaya sana makapasa ako dun sa Grad School na gusto ko pasukan para may maaccomplish naman ako sa buhay ko!

nagmumukhang diary tong sinulat ko ngayon pero dont get me wrong...
wala lang talaga ako magawa kaya nag susulat ako ng kung anu anu shit...

sige... maglalaro na muna ako, tapos matutulog.. baka malate pa yung kapatid ko pag hindi ko naihatid...


Thursday, March 22, 2012

MAGNUM, so cool right?

Malapit na mag tapos ang March. Summer na. Ramdam na ramdam na ang init sa paligid maging eto man ay dala ng init ng panahon o ng sunog sa EVER GOTESCO, partida, Fire Prevention Month pa ngayon, BRAVO! at ang nagliliyab na talakayan sa Impeachment Trial ni CJ Corona na wala na atang katapusan at milyong milyong piso ang pinaguuusapan habang ang iba nating kababayan ni hindi makahawak ng isang daan.

Kaya sa tingin ko napapanahon ang pag labas at biglang pagkauso ng pinakabago at kinababaliwan na pagkaen ngayon ng mga Pilipino, ang MAGNUM. Kahit saan ako mag punta, lahat ng 7 11 na mapuntahan ko o anu mang bilihan na may ice cream, may MAGNUM, at kitang kita ko rin and muka ng mga nag eendorso nito, lalo na ung crush kong si Solenn. Magkano ito? 50 pesos o higit pa, depende kung san mo binili, mas mura daw sa puregold. Totoo ba?



Honestly hindi ko pa to natitikman, hindi dahil sa wala akong pera, (pero parang ganun na din), kundi di ko masikmura na kumaen nito, tsaka nlng siguro kapag hindi na ito pinag uusapan o kaya kapag may nanlibre sakin.At kapag hindi na ito binabandera ng mga tao habang kumakaen sila sa publiko para bagang pumapantay na ito sa pinaka usong pendant ngaun, DSLR.  Pero sa tingin ko masarap naman ito, hindi ito magkakahalaga ng  50 pesos kung kasing lasa lang ito ng  5 pisong dirty ice cream na gumising sayo sa hapon dahil sa kalembang ni kuya o sa tunog ng selecta o nestle na may background music pa na napapasabay ka kahit ayaw mo. 

Ito ang bumabahala sakin:

Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit nakukuha ng mga tao na mag reklamo sa .50 sentimong dagdag sa pasahe, pisong dagdag sa pandesal, 1 dagdag sa gasul at kung anu anu pang walng tigil na pag taas ng mga bagay bagay maliban nalang sa height ni mahal at sa grades ng kapatid ko, kung nakakabili sila ng @#$@#$ ice cream na to.

Kaya nilang bumilli ng punyetang ice cream na makakabili na ng isang kilong bigas para sa buong araw. Syempre ang bibili lang naman nito ay iyong mga kababayan nating may pambili, pero kung kaya natin,  ay kaya niyo pa lang bumili ng ganito kamahal na sorbetes eh wala tayong karapatan na mag reklamo sa ibang bagay. 

Kelan lang may militanteng grupo na sumugd sa tanggapan ng Shell at ng rereklamo sa tahasang pagtaas ng presyo ng petrolyo. May mga aktibistang ngrarally para pigilan na maging 8.50 ang minimum na pamasahe. at kung anu anu pang demonstrasyon na nagpapakita ng pagtaliwas sa mga nangyayare sa ekonomiya. 


*wag niyong babanggitin saking ang NOYNOYING, ito na ang pinaka korning salita na narinig ko sa loob ng 20 taon kong buhay!

Isa pa, nasa instructions ba ng pagkaen ng ice cream na ito na dapat pagkabukas, bago kagatin, dapat picturan at iupload sa FB, twitter, , at kung anu anu pang social media? Nais ba nila ipakita na sila ay sunod sa daloy? o gusto ipakita na may pambili sila? Galing din ako sa isang mall kahapon, habang naglalakad, nakakita ako ng 2 babae, nakauniform, may hawak na ice cream, unang pumasok sa isip ko, Magnum to! bakit? Halos nakataas na ang kamay nila para bang pinapakita na "HOY TIGNAN NIYO! KUMAKAEN AKO NG MAGNUM! IM SO COOL RIGHT?",,, Sinundan ko siya, nagulat ako sa nakita ko, wala pa din kagat ung ice cream niya after 5 mins....

Sumakay nalang ako sa FX, siningil ako ni kuya, 45 pesos daw ang pamasahe... Napaisip ako bigla, pag bumili ba ako ng Magnum worth 50 pesos makakauwi ako ng Nova?

PS.
* hindi ako galit sa Magnum, galit lang ako sa taong akala ata Apple ang gumawa ng Magnum ( Credits to Jayson Posadas)
* Gusto ko matikman magnum, wala lang ako pambili. Kaya ko lang bilhin yng tinapay na ice cream palaman.